Nagsusugal ba ang isang tao pag nasa Stock Market?

Tumaya ka na ba sa lotto? Eh, nag Stock Market ka na ba?

Tanong: Pareho ba silang sugal?

Alamin sa kwento ko ano ang opinyon ko sa bagay na ito…

Basa….

Maraming tao ang nasa isip pag nag stocks daw eh sugal daw yun.  Masyadong nabigyan ng pangit na imahe, dahil yung iba bigla naman kasi ang kita sa merkado, kahit baguhan pa lang.  Marahil isa ka dito na iniisip mo mag ‘trade’ sa stock market, pero dahil na “markahan” na isa itong sugal, nagdadalawang isip ka tuloy.  Actually, kung magiging ‘objective’ lang tayo at iisipin natin na isang business ang stock market, mas sasabihin mong ‘risky’ ito na parang isang negosyo,kesa isang sugal o gambling.  Halimbawa, nag bukas ka ng isang negosyo, malalaman mo ba kung kikita ito or malulugi.  Tapos sasabihin mo ba na isa itong sugal pag nalugi ka.  Tapos pag kumita naman, sasabihin mo swerte swertehan lang ito.

 

Ito ang masasabi ko dito, pag di mo alam ginagawa mo, at pumasok ka sa merkado, dahil sa “tip” na nakuha mo , or dun ka nag depend. Isa itong sugal  Dapat may tama kang karunungan at skills para alamin ang tamang pagbili ng stock sa stock market.  Katulad ng isang negosyo, pag nalaman mo ang tamang pamamaraan na palakad dito, though sa bawat negosyo kadikit naman talaga ang pakipagsapalaran or risk ditto.  Katulad din ito ng stock market. 

 

Sa Bibliya nga yung kwento ng talinhaga ng talento, yung dalawa nakipagsapalaran talaga, at dahil dito, dumoble ang pera nila.  Pero meron isa matatakutin, ibinaon lang sa lupa ang pera, dahil takot baka daw mawala.  Syempre naparusahan yung indi pinalago ung talent na binigay sa kanya.

 

Bawat isa sa atin may talent.  Kailan ito mahasa maigi.

 

Ang paginvest or trade sa stock market, ay indi basta basta. 

Kailangan mo ito mapag aralan, at wag lang umasa sa stock tip na bigay ng iba..

Kung sa klase, eh nangongopya tayo ng assignment sa classmate natin

Wag naman hanggang sa investment eh ganun din gawin natin.

Aral tayo kasi marami naman available na materials.

I would like to invite you sa group ko, which from time to time, I share bit size stock knowledge, para paunti unti may alam ka about stock market.

https://www.facebook.com/groups/2123068401094842/

I will share mga tips para sa newbies…step by step..

See you there!

 

 

 

 

Share
Minda Paule
 

MINDA PAULE is a Certified Public Accountant, has a Masters Degree in Business Administration (MBA), financial advisor, professor, daughter, sister, author and, soon to be an entrepreneur. She is also the founder of mindapaule.com aka Money Planner, and passionately share about the need to increase financial literacy to every Filipino citizen.

>